Saturday, April 21, 2012

Sulit ang Bakasyon: Kamay ni Hesus


Kala niyo, tapos na? Hindi pa! Kinaumagahan, gumayak naman kami para pumunta sa Lucban, Quezon. Bandang 9am, umalis na kami. Habang nasa biyahe papunta sa Kamay ni Hesus, nakita namin sa mismong bayan ng Lucban na mayroong basaan. Noong una, akala namin, araw ni San Juan kasi kahit sino binabasa nila. Pati ang aming sasakyan ay di pinatawad, buti na lang tubig lang. Then, nakita rin namin sa daan na maraming nagkakainan sa labas ng bahay. Along the way, doon na namin nalaman na ginaganap pala ang 2nd Year Papusitan Festival.

Philippines Vacation - Kamay ni HesusPhilippines Vacation - Kamay ni Hesus (Photo credit: Thom Watson)

Meron ding mga resort na nakakatawa ang pangalan, tulad ng “Nawawalang Paraiso Resort” na nadaanan lang namin. Malapit naman sa Kamay ni Hesus, makikita ang “Natagpuang Paraiso Resort”. Oh di ba? Galing ng pinoy!

Pagdating namin sa Kamay ni Hesus, medyo matraffic, at wala kaming maparadahan. Maraming tao at mga souvenir stalls sa kalsada kaya naman medyo malayo ang pinaradahan ng sasakyan namin. Nagusap-usap na kami kung sino ang aakyat, siyempre dahil once in a lifetime lang ito and kahit di ako Catholic, sumama akong umakyat. Di na sumama sa amin si Rina sa sunburn niya.


Ito na, nuong una, okay pa, pagdating ko sa pangalang stage, grabe! Napagod agad ako, feeling ko magkocollapse ako sa init at pagod. Pero buti na lang kinaya ng system ko, nakaabot naman ako sa pinakaituktok. Ang sarap ng feeling! Dami kasing makikitang tanawin, parang kita mo na ang buong Quezon. Napapatanong nga ako, paano nila naiakyat ang Kamay ni Hesus, eh ako nga napagod sa pagakyat.
Sulit talaga. Kahit di ako Catholic, nirerespect ko ang mga sacred places tulad nito. Hinayaan ko lang ang mga kasamahaan ko sa kanilang debosyon habang naghihintay ako malapit sa hagdanan.

Ilang oras lang kami sa itaas at bumaba na rin kami. Bumili kami ng mga pasalubong at souvenirs doon. May mabibili kang t-shirt na P160 lang, mga cellphone charms, P20-50, 3 for P100 na delicacies, bayong at iba pa. Di ko nga na-try tikman ang pansit habhab na P10 lang.

Dahil tapos na ang pagbisita, umalis na rin kami. Nakatulog na nga kami habang nagbibiyahe. Nang madaan kami sa Los Baños, bibili sana kami sa The Original's Buko Pie, kaso ang haba ng pili kaya ang ending sa Collette's na lang.

Nakarating kami sa Muñoz ng 3pm na. Sulit ang pagod at ang bakasyon. Balik ulit ako ng Nueva Ecija kasi magsuswimming naman kami ng family ko.

Ooops! Naiwan ko nga pala ang camera ko kina Ate Irma. Di naman nawala, naibalik din sa akin thru her sister dahil nagwowork yun sa Makati. Hay, thanks to Ate Irma. Sobrang bait, pati na rin sa driver namin na very patient.

By the way, ito ang aming itinerary. Sana maishare niyo rin ang experience niyo sa pagpunta sa Quezon.

April 07, 2012
2:00 am Departure time from Frisco
6:00 am Arrival to Brgy. Marao, Padre Burgos, Quezon
7:00 am Borawan Isalnd
12:00 pm Lunch
1: 00 pm Talabaan
2:00 pm Dampalitan
6:00 pm Bahay
7:00 pm Dinner

April 08, 2012

7:00 am Breakfast
9:00 am Departure time at Ate Irma's house
11:00 am Kamay ni Jesus, Lucban, Quezon

Budget:

Ate Irma (09186048601) - P1200.00/person including lunch, dinner and breakfast, house
Van/Driver – P600/person including gasoline
Enhanced by Zemanta

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner