Wednesday, April 18, 2012

Sulit ang Bakasyon: Borawan, Talabaan, Dampalitan

Pagkayari naming magpunta ng Borawan, nagbangka naman kami papunta sa Talabaan. Mabato sa area na ito, at madulas pa dahil sa mga lumot na nakakapit sa bato. Wala kaming nakitang talaba dahil mataas pa daw ang tubig pero kahit ganoon pa man, inenjoy na lang namin. Picture-picture doon. Hindi na rin ako bumaba kasi baka madulas lang ako.


Sea urchins in Tangalle beach, Sri Lanka. They...Photo credit: Wikipedia)
Sandali lang kami dito so punta na kami sa Dampalitan. Mas maraming tao dito compare sa Borawan. Maraming puno ng niyog at damo. Meron din na mga cottages pero as usual di na kami nagrent kasi naglagay na lang kami ng tuwalya sa may damuhan. Ang bayad per tao ay P20 samantalang sa Borawan ay P30. Ipinasulat sa logbook ang mga pangalan namin for registration. Dahil sa sobrang pagod, nakatulog na ako pero ang mga officemates ko nag-inuman pa. Mga 3pm, gumising na ako para naman di masayang ang pagpunta ko sa beach. Ang problema, di ka makakapagswimming dahil mabatoang dagat at maraming sea urchins. Naghanap na lang kami ng mga sea shells. Marami kaming nakita dito like hermit crabs, starfish, jellyfish, seashells na buhay, patay na corals, hipon, at pusit. Nakakatuwa nga kasi kung naging maring biologist  lang ako, marami na akong specimen na nakita at nalaman ang name.


Bandang 5pm, umalis na rin kami at dumiretso sa bahay-tuluyan namin. Dahil malapit na rin na maghapunan, nag-ihaw kami ng hotdog (may ihawang de-uling si Ate Irma). Nagluto rin kami ng pulutan at nag-inuman hanggang 12 ng umaga. Medyo malamok nga lang, so bumili na lang kami ng katol. Mahirap din humanap ng yelo that time pero buti na lang kahit papaano may konting yelo sa tabi ng bahay tuluyan namin.Sa bahay-tuluyan nga pala. may 3 kuwarto at isang CR. Bawat kuwarto may electric fan so okay na okay ang pagtulog namin. Pwede ring gumamit ng kalan pero magbabayad ata ng P50.Since ma y uling naman kaming dala, doon na lang kami nagluto. In case na mag-uuling kayo, magdala na lang kayo ng papel kasi mahirap maghanap ng papel at plastic.

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner