Tuesday, April 17, 2012

Sulit ang Bakasyon: Paglalakbay sa Quezon, Province




Day 3:


Excited na ako sa biyahe. Una, dahil first time ko makapunta sa Quezon at matagal na naming itong plinano. Pangalawa, kasama ko mga officemates ko, mga 11 kami. At exactly 2am, bumiyahe na kami. Dapat magkocommute kami pero napagusapan naming mag-rent ng van kasi mura lang ang nakuha namin at pwede pang pumunta sa ibang lugar na di hassle ang biyahe.


Thanks to Pinay Travel Junkie, sa kanya ko nakuha ang directions papunta sa Quezon pati ang contact namin na si Ate Irma para sa Borawan package. Dahil di rin kabisado ng driver namin if saan papunta, sinundan ko na lang ang blog direction ni Pinay Junkie. Nasa Pagbilao, Quezon na kami nung naligaw sa paghahanap sa Lucena Grand Terminal dahil dito namin malalaman if saan ang daan papunta ng Padre Burgos. Madali lang makita ang Grand Terminal, may madadaanan kayong 2 magkasunod na Jollibee, at Total Gas Station. Pag nakita niyo na ito malapit na kayo. Pero ang papunta ng Padre Burgos ay malayo pa dun, siguro dalawang junctions yung nadaanan namin bago pa yung Atimonan-Padre Burgos Junction. Pag nakita niyo ito, liliko kayo sa kanan at doon hahanapin niyo naman ang Brgy. Marao. Enjoy dito kasi madadaan kayo sa bitukang daan, kaso ang panget lang eh ginagawa ang daan. Pag lagpas ng bayan, Brgy. Marao na. Ang pwesto nila Ate Irma halos tabi ng Vista Playa. Meron siyang tarpaulin na nakalagay “Borawan Island” so madali niyo lang siyang makita. Ang kagandahan pa, meron siyang parking area, kaya di basta-basta sa road shoulders nakapark ang sasakyan niyo.
Pagkadating namin,diretso na kami sa tutulugan naming bahay. Nagbihis lang kami ng pangswimming at iniwan na ang mga gamit. Sumakay kami agad sa bangka at ang una naming pinuntahan ay ang Borawan Island. 

Dagat malapit sa bahy-tuluyan namin


Makikita pa lang sa malayo na ecru ang kulay ng mga buhangin. Pag sa malapitan,  malalaman mo na hindi pala ito masyadong pino kundi mabato ng konti. Pero, ang tubig ay napakalinaw at malamig. Konti lang ang mga turista dito. Meron pang mga nagtayo ng tent. Para makatipid kami, di na kami kumuha ng cottage. Pumuwesto na lang kami sa ilalim ng isang rock formation. Nagswimming kami hanggang tanghali. Doon na rin kami nanghalian ng sinigang na baboy at pritong tilapia. Take note: ang daming binigay ni Ate Irma na kanin pati ng ulam, sobrang sulit. Kasama na rin dito ang isang carboy ng mineral water.

Sa ilalim ng rock formation

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner