Wednesday, April 11, 2012

Sulit ang Bakasyon: Masalimuot na Pagbabalik


Day 2:

Holy Friday. Pumunta kami sa Youth Conference (YC) sa Bantug, Talavera. Ang aming YC ay ginaganap every Holy Week kasi walang pasok ang mga kabataan at mga parents nila. By the way, di ako Catholic so di talaga kami nagsecelebrate ng Holy Week. Pagdating namin dun, inilibre kami ng tita ko ng halo-halo. Get together din naming magpipinsan dahil andoon din sila. Habang kumakain kami nito, nanonood kami ng cheerdance ng mga kabataan.

Pagsapit ng alas-3 ng hapon, umalis na kaming mag-asawa dahil ako naman ay gagayak papunta ng Bulacan. Mga 5:00 na ako nakaalis sa amin at dumiretso na ako sa Cabanatuan Terminal. Ang nakakatawa, ako lang ang sakay ng bus paluwas. Take note: umaalis ang bus na galing ng Cabanatuan every 15-30 minutes. In short, di sila nagpupuno. Ang pamasahe na pala ay P121 na, dati kasi P110 lang. Ito naman ang nakakainis sa pagkocommute sa MacArthur highway, sobrang traffic dahil sa mga ginagawang kalsada, tapos daming pasaherong binababaan. Marami din stopover like sa Gapan and San Miguel, Bulacan.

Dahil Biyernes Santo, marami talaga ang nagpuprusisyon. Enjoy naman kasi magaganda ang mga Santo na pinuprusisyon. Kaso ito na ang nangyari, pagdating ko sa Pulilan Junction, walang jeep papunta ng Calumpit. Punta agad ako sa Plaridel para doon sumakay pa-Malolos pero sarado ang daan sa dami ng taong nanonood. Balik agad ako sa Pulilan. Buti na lang nakita ko si Ate Cris kaya nagtricycle na kami. Grabe, ito na yata ang worst experience ko sa biyahe, tipong wala kang masakyan kahit na ano.


Biyernes Santo II (Good Friday, Holy Week)Biyernes Santo II (Good Friday, Holy Week) (Photo credit: ibarra_svd)


Photo Credit: Mojacko's World
Pagdating ko sa bahay, iginayak ko na agad ang damit ko para sa pagpunta namin ng Quezon Province. Alis agad ako kasi baka wala na naman akong masakyan. Walang bus, pero may jeep pa-Monumento. Dito na ako sumakay. Nakarating ako sa boarding house ng 11:30. Hinintay na lang namin ang alas-2 para sa oras ng alis namin papuntang Quezon.
Enhanced by Zemanta

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner