Tuesday, April 10, 2012

Sulit ang Bakasyon: Ang Pag-uwi

Hello! I'm back from a long vacation. Sinulit ko talaga kasi ito na ang pinakamahabang bakasyon meron tayo ngayong taon. Dahil mahaba ang aking bakasyon at marami akong pinuntahan, ikukuwento ko kung saan-saan ako nagpunta at ano ang mga naexperience ko sa mga ito. Kayo, saan nagbakasyon?

Day 1:

Holy Thursday. Laba day! Buti na lang konti ang nilabhan ko at may washing machine naman. Kaya pagdating ng tanghali, tapos na lahat. Nagmamadali din kasi ako dahil uuwi pa kami ng hubby ko sa Nueva Ecija, ang aking home province.

Bandang 3:30, nagsimula na kaming magbiyahe gamit ang motor naming single. Mas pinili namin ang Quezon Road kung saan ang dadaanan ay ang mga bayan ng Sta.Ana-Arayat-Cabiao-Gapan. Pwede din naman sa MacArthur Highway, ang problema lang, matraffic. Ang dadaanan namang mga bayan nito ay Pulilan-Plaridel-Baliwag-San Miguel-Gapan.

Habang nasa daan, makikita mo ang Mt. Arayat. Pero nung araw na yun, medyo maulap kaya hindi kagandahan ang view. May nadaan din kaming nagpepenitensiya, pero di na katulad nung mga bata kami na talagang marami sila. Enjoy din dito kasi malamig ang hangin at hindi nga traffic. Mahirap nga lang kasi nakasingle kami. May time na nakakangawit na sa pag-upo at matagtag ang daan.
twilight shot from Victory Liner bus traveling...Twilight shot from Victory Liner bus traveling at 100 kph (Photo credit: Wikipedia)

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner