Saturday, December 10, 2011

Pixie's Sinugba- a food review


Dahil gusto naming magtry ng ibang resto/fastfood ambience, napunta kami sa Pixie's Sinugba sa may Skygarden, SM North. Okay naman ang place, may 6 na table lang ata sa loob pero mas marami yung nasa labas. Yung mga waiters naman ay attentive and accomodating sa amin. In terms of menu, mostly puro ito isda-bangus, meron lang kaming nakitang nilagang baka. Since konti lang ang mapagpipilian sa menu nila at yung iba hindi pa available like leche flan, umorder kaming apat ng sizzling boneless bangus, 1 pitcher of coke regular, and small ube halaya. Habang hinihintay namin ang pagkain, nagpicturan kami. Kaso nung naiserve na ang pagkain, sa sobrang gutom di ko na napicturan. Malaki naman pala ang bangus, hati sa gitna (vertical cut) so kung isang girl kakainin, sobra pa. Masarap naman yung inorder namin, hindi mo na kailangan ng toyo and kalamansi kasi may konting sabaw yun. Kaso medyo naumay agad ako maybe because uminom ako ng coke before kumain. Rice servings nila are per scoop kaya mabibitin kayo sa 1 rice lang. I think din dapat nilang palitan yung hot sauce kasi di naman maanghang unless damihan mo talaga. Madami din pala yung 1 pitcher ng coke kasi di namin maubos eh. Dessert namin ay ube halaya, kakaiba ito kasi parang ice cream na natutunaw sa bibig. Hindi ito tipikal na halaya na makunat, pero yung ube niya ay hindi masyadong malasa. Normal lang ang tamis kaya siguradong okay sa mga diabetic. And sa price? Okay ang price compared sa iba kaso medyo mahal lang ang kanin. Overall, sabi nga eh, swak naman. Gusto kong itry yung chicharong tilapia sa next visit ko.
Enhanced by Zemanta

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner