Monday, December 5, 2011

My first cooked dish-sinigang na hipon



First time kong magluto ng ulam kahapon, with the help of my husband. Siya lang ang nagturo kung papaano, ako naman ang gumawa. Actually hindi ako marunong magluto so nagpapaturo ako sa asawa ko kasi mas may alam siya sa kusina kesa sa akin. Ang alam ko lang aside sa kumain ay maghiwa-hiwa ng rekado since nag-aassist naman ako sa kusina pag nagluluto ang nanay ko. Nakakatuwa lang kasi super dali lang naman ng niluto ko. Well, niluto ko lang naman is sinigang na hipon, actually ulang pala yun. Tamang tama naman na umuulan so may sabaw ang niluto ko para medyo mainitan kami. Dalawang kilo ang binili ng hubby ko na ulam na hanggang hapunan. Itatry ko ulit lutuin ito pag may pagkakataon.

Enhanced by Zemanta

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner