Monday, November 14, 2011

Miscommunications



Kahapon ang aga kong gumising, excited kasi ako sa seminar ko. Kahit madami din akong labahin, natapos ko agad yun, wala pa akong katulong niyan. After that, naligo na ako, pero hindi na nakakain sa bahay kasi wala pang lutong ulam. Exactly 12pm, nakaalis na ako ng bahay, approximately 1 hour kasi ang biyahe from Calumpit to Cubao. Nung nakasakay na ako, gusto ko ng magtext sa coordinator ko na baka malate ako since ang FX na sinakyan ko ay magpupuno pa lang. Pero nagsecond thought ako na wag na lang since, mukhang okay naman na. At exactly 1:10pm, nasa Muñoz pa lang ako so nagtext na ako, if nagstart ng magseminar. Then nagreply ang coordinator ko saying sorry at hindi ako nainform na walang seminar kasi akala niya ang text ko kahapon (Saturday) was for that day. Grabe, sobra akong nafrustrate, kasi pamasahe pa lang lugi na ako, gusto ko mang magdemand, wala na kasi free seminar lang yun. So sabi ko okay lang, next Sunday na lang. Dumiretso na lang ako ng Cubao.Para mawala yung frustrations ko, nilibot yung National Bookstore sa Cubao. Nilibot ko din ang Gateway, lahat ng puwede kong libutin na related sa gagawin kong business. Nagenjoy naman ako kasi andami kong naging ideas especially nung nasa The Body Shop na ako. At past 5pm umuwi na ako.

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner