Friday, January 7, 2011

Tips sa Paghahanap ng Trabaho

Alay ko ang post na ito sa kapatid ko na naghahanap ng trabaho. Im sure dadaan din siya sa butas ng karayom bago makapasok ng trabaho.

  1. Ianalyze ang sarili. Kung ang mga Human Resources Department ng bawat company ay binibigyan ka ng psychological exam, dapat mauna kang ianalyze ang sarili mo. Mahirap namang magtrabaho ka tapos pilit naman pala. Mabuti pang maglakwatsa at tumambay kesa tatamad-tamad sa trabaho, sigurado pag nahuli ka tanggal ka pa.
  2. Gumawa ng pamatay na resume. Pag sinabi kong pamatay, binabasa pa lang ng HR siguradong tanggap ka na. Ang resume na gagawin mo ay dapat malinis, simple (pero rock), angkop sa inaaplyang trabaho at tama lahat ng spelling.
  3. Maghanda ng application letter. Usually, naghahanap talaga ang company ng application letter (hindi love letter ha), pag nag-apply sa kanila. Dapat maganda, tama ang sentence construction at tama ang spelling. Kailangan din na makita nila ang qualification mo versus sa qualification nila, para swak na swak ka sa trabaho.
  4. Ipacheck sa iba ang resume at application letter. Ang hahanapin mo na magchecheck sa gawa mo yung mas magaling sa iyo sa English. Wag na wag mong gagawin na ipacheck sa kaklase mo na kumokopya lang saiyo dati sa English class, malamang sa hindi ka matanggap.
  5. Maghanap ng trabaho. Marami kang sources sa paghahanap ng trabaho. Puwede sa internet tulad ng Jobstreet, Jobsdb, at BestJobs, JobOpenings, sa mga dyaryo tulad ng Manila Bulletin, mga refer ng kaibigan. Pag sa internet ka naghanap, kailangan mong magsign up (hindi sa Facebook) sa mga job search facilities na iyon. Kung sa dyaryo naman, puwedeng walk-in, snail mail or i-email mo para mabilis.
  6. Ipasa mo ang interview at exam. Dalawang klase ang exam, psychological at general information. Tipong pang entrance exam sa college lang ang difficulty nito pero tandaan mo magpractice ka din para mahasa ulit ang utak mo. Sa psycho test naman, walang tama o mali, just be yourself eka nga, so I'm sure maipapasa mo na ito. Kung makapasa ka jan, dadaan ka na sa interview questions. Magpractice ka ng sagutin ang iba't ibang klase ng interview questions, just in case na may similar question na maitanong, alam mo ang sagot. Para talagang makapasok ka ng trabaho, ito ang dapat mong gawin at kung hindi mo maipasa yan, babalik ka ulit sa tip no. 2 -6 ko. 
Enhanced by Zemanta

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner